Tuesday, March 08, 2005

Ang Simula ng Pagbabalik sa Nakaraan at sa Kinabukasan March 8, 2005

Marso 8, taong 2005. Nandito ako sa opisina sa ika 12 palapag ng gusaling Herrera, Sa panulukan ng Valero at Rufino sa Lungsod ng Makati. Ang Oras 5:44 dito sa computer. Nakatingin ako sa labas, pakulimlim na ang langit.

Dito, dito sa lugar na ito sisimulan at babalikan ang buhay ko na punong puno ng pakikipagsapalaran. Syanga pala ako si Pocholo Gonzales, 25 taong gulang. Isang taong puno ng pangarap. Isang taong puno ng pakikipagsapalaran sa buhay. Nawa'y ang mga isusulat ko dito ay maging gabay ng mga kapwa ko kabataan sa kasalukuyan at sa kinabukasan. Matagal ko ng pinaplano na magkaroon ng ganitong klaseng mala diary na pwedeng malaman ng mga tao kung ano ang dapat nilang gawin sa buhay.

Isa lang akong simpleng at ordinaryong tao, ngunit extraordinaryo ang pinaggagagawa sa buhay, sa marami maaaring imposible pero wala akong pakialam kung di sila maniwala eh di wag nilang basahin itong mga isusulat ko. Wala namang sapilitan eh, eto ay para sa mga taong gustong matututo. Wag mo na lang sayangin ang oras mo kung di ka intresadong magbago.

Habang sinusulat ito, nais ko nga palang ipaalam sa inyo na ang Best friend ko noong High School na si Monina Reyes, o kilala sa tawag na Nian ako naman si Moning ay nakalagak ang bangkay sa kanilang bahay sa Cabcaben, biniyahe raw siya galing sa Dinalupihan, Dyan sa Bataan. Ngayon nasa Mariveles daw sya.

Nakakalungkot na simulan no, May patay, best friend mo pa. Pero Siguro mas maganda na ring may nasimulan kaysa wala. Patuloy pa ito hanggang siguro ako naman ang mawala. Hehehehe wag naman sana. Marami pa akong matutulungan.

Sige, hanggang sa susunod na kabanata. Marami pa akong kwento.

Kita kits uli.




ME AT WASHINGTON D.C. IN FRONT OF CAPITOL BUILDING

Whatsapp Button works on Mobile Device only

Start typing and press Enter to search